May kaba nang hatid tuwing umuulan, Hindi na magaan, di gaya ng nagdaan. Tama pa bang damhin o dapat talikuran? Kung dati’y aliw, ngayo’y alinlangan. Dinudulot ng kalikasang sugatan, Bunga ng kapabayaan at kasakiman. Mas pinalala ng nagbabagong klima, Habang tao’y nagdurusa, may trapong kumikita. Kaya ang ulan, di na basta ulan, Paalala’t sigaw ng kalikasang sugatan. Kung may bagyo, may dapat gisingin, Bayan ang magtatapos sa siklong madilim.
the odds and ends of a peachy psyche. welcome to my life's pathways and "pagpags"...